UMAABOT na sa mahigit 3,000 negosyo sa Filipinas ang pansamantalang nagsara o tumigil ng operasyon dahil sa nararanasang krisis dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nag-abiso na ang naturang mga kompanya sa pansamantalang pagsasara ng mga ito.
Ang datos ay mula noong Enero hanggang ngayong Hunyo.
Sinabi pa ni Bello na wala pa namang kompanya na naghain ng bankruptcy bagama’t mahigit 200 na ang nagbigay ng abiso hinggil sa tuluyang pagtigil ng kanilang operasyon.
Idinagdag pa ng kalihim na nasa 2.7 milyong manggagawang Filipino na ang naapektuhan ang mga kabuhayan dahil sa COVID-19.
Paliwanag ni Bello, iba ang kanilang datos mula sa ipinalabas na report ng Philippine Statistics Authority (PSA) na 7.3 milyong manggagawa ang nawalan ng trabaho nitong Abril dahil sa pandemya.
Aniya, aktuwal na numero ang kanilang datos habang nagmula naman sa survey ang sa PSA. DWIZ 882
Comments are closed.