NAGPAKALAT ang Philippine Coast Guard ng halos 3,000 tauhan sa mga daungan sa buong bansa dahil sa pagbuhos ng mga pasahero.
Naitala ang may 28,023 papalabas na pasahero at 24,029 papasok na pasahero sa lahat ng daungan sa buong bansa.
Ayon sa PCG, nasa 2,714 na naka-deploy na frontline personnel para sa 15 PCG Districts ang nag-inspeksyon sa 229 na sasakyang pandagat at 79 na motorbanca bago lumayag.
Inilagay ng PCG ang mga distrito, istasyon, at sub-station nito sa heightened alert mula Disyembre 15, 2023 hanggang Enero 3, 2024 upang pamahalaan ang pagdagsa ng mga pasahero sa daungan.
Paalala pa ng PCG na maaaring makipag-ugnayan ang seafaring public sa PCG sa pamamagitan ng opisyal na Facebook page nito o sa Coast Guard Public Affairs Service (0927-560-7729) para sa mga katanungan, alalahanin, at paglilinaw tungkol sa mga protocol at regulasyon sa paglalakbay sa dagat sa panahon ng Kapaskuhan. PAULA ANTOLIN