NASA 3,000 bilanggo ang inisyal na maililipat ng Bureau of Corrections sa ibang pasilidad sa oras na maipatupad ang tripartite agreement sa pagitan ng Department of Justice, Department of Health at Department of National Defense sa susunod na taon.
Dadalhin ang mga person deprived of liberty (PDL) sa Fort Ramon Magsaysay sa Nueva Ecija.
Ayon kay BuCor Director General OIC Gregorio Catapang, bahagi pa rin ito ng mga hakbang ng pamahalaan na paluwagin ang mga bilibid prison.
Sakaling naisapinal ang documentation requirement, tinatayang nasa 300 hanggang 1,000 ang mga PDL na eligible sa parole ang kanilang palalayain.
Bukod dito, mayroon ding penal colonies na nabigyan ng tig P300 milyon para sa konstruksyon ng mga bagong gusali.
Sa oras na maitayo ito ay nasa kabuuang 4,000 mga bilanggo umano ang maaaring mailipat mula sa NBP. BETH C