3K STUDES BINIGYAN NG SMARTPHONES

NAMIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng smart phones sa may 3,057 estudyante mula sa public elementary at high school para sa school year 2020-2021.

Ang mga beneficiaries ay kabilang sa mga idineklara nung enrollment na walang sariling mga gadget na kanilang ma­gamit para online classes.

“We set aside P4.5 million from our Special Education Fund and realigned P9.8 million of our budget for the programs of the Navotas City Council for the Protection of Children. This enabled us to purchase 2,682 smart phones for our students,” ani Mayor Toby Tiangco.

Samantala, nagbigay naman si Cong. John Rey Tiangco ng 350 cellphones para sa Tutor Learning Child (TLC) at Support Our Students (SOS) programs.

Ang TLC ay pinagsamang proyekto ni Tiangco at Department of Education-Navotas na inilaan upang tulungan ang mga nag-aaral ng K-12 na walang sinumang nagtuturo para gabayan sila sa modular lessons o walang gadget para sa mga nag-aaral sa bahay nila.

Habang ang SOS naman ay donasyon drive na suporta sa pangangaila­ngan ng mga K-12 students, kabilang ang mga smart phones, tablets, internet load, school supplies, at iba pa.

Maliban sa mga smart phones, tumanggap din ang DepEd-Navotas ng 25 unit-donation mula sa isang private organization.

“Navotas has a meager budget compared with other cities in Metro Manila, but we do what we can to provide for the needs of our students and support their schooling,” anang alkalde.

Nauna rito, isang online games ang itinatag nito para mabigyan ang mga Navoteñong estud­yante ng oportunidad na manalo ng gadget na kung saan 81 estudyante mula sa elementary hanggang college ang nabigyan ng smartphones para sa kanilang online classes. EVELYN GARCIA

Comments are closed.