#3PINAY5 FUTSAL-GUAM FRIENDLY MATCH TAMPOK SA PSA FORUM

MAGIGING tampok ang nalalapit na laban ng Pinay5 Futsal kontra Guam sa online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes (Oct. 4).

Dadalo sina Philippine Football Federation (PFF) Futsal head Kevin Goco at PFF Futsal technical director Vic Hermans sa session para talakayin ang newly-formed Philippine women’s futsal national team.

Ang two-day friendly ay gaganapin sa Oct. 15 at 16 sa Rizal Memorial football field.

Magsisimula ang session sa alas-10 ng umaga.

Itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Amelie Hotel Manila, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), ang Forum ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociationnat mapakikinggan sa delayed basis sa Radyo Pilipinas 2, na isini-share din ito sa kanilang official Facebook page.