HINDI napigil ng umano’y tension o iringan ng China at Pilipinas ang ikatlong Maritime Cooperative Activity (MCA) sa West Philippine Sea (WPS) na matagumpay na naisagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at United States Indo-Pacific Command (US INDOPACOM).
Ayon kay AFP Chief General Romeo Brawner Jr., layunin ng joint patrol na palakasin ang ugnayan ng Pilipinas at Amerika para sa seguridad sa Indo-Pacific region,
Sa nasabing aktibidad, pinaglayag ng Philippine Navy ang BRP Gregorio Del Pilar (PS-15) at Agusta Westland (AW) 109 helicopter (NH434) kasama ang US Navy na USS Gabrielle Giffords (LCS 10) at Sikorsky MH-60S Sea Hawk helicopter upang tignan ang WPS.
Sumabak din ang mga ito sa pagpaplano at maritime communication operations sa loob ng Philippines’ exclusive economic zone (EEZ) na bahagi rin ng MCA.
Maging ang communication exercise, photo exercise, at division tactics tinatawag na Officer of the Watch Maneuver ay sinanay din ng mga tropang Pinoy at Amerikano.
Unang isinagawa ang MCA noong Nobyembre 21- 23, 2023, habang ang ikalawa ay noong Enero Enero 3 hanggang 4. EC