3RD OSLP NATIONAL SPORTS SUMMIT HANDA NA

GAGANAPIN ang 3rd Online Sports Leadership Program (OSLP) National Sports Summit sa Cagayan State University Andrews Campus, Tuguegarao City sa August 22-24.

Pinag-iisa ng annual OSLP Summit ang sports leaders at coaches upang sama-samang hubugin ang Philippines sports, isulong ang pagtutulungan at itulak ang Olympic values para sa community growth.

Ang three-day event ay idaraos ilang linggo makaraang gumawa ang Pilipinas ng kasaysayan sa Paris, kung saan naging double Olympic gold medalist si gymnast Caloy Yulo.

Ito ang unang pagkakataon na magiging host ang Tuguegarao City sa summit, isang pagtitipon ng international at local sports leaders, athletes, coaches at students.

Itatampok sa three-day event, sa pakikipagtulungan sa Tuguegarao City Councilor at kay dating national beach volleyball player Charo Soriano, Philippine Sports Commission, Philippine Olympians Association (POA), at MVP Sports Foundation, sina keynote speakers Soccer Without Borders (SWB) executive director Jennifer Tepper at Belgium sports professional Ilse Vanhoorelbeke sa August 23z

May mahigit dalawang dekadang karanasan bilang isang non-profit executive, business development and fundraising strategist, at board development expert, ibabahagi ni Tepper ang malalim na commitment sa pagsusulong ng equity and inclusion sa pamamagitan ng football. Bago sumali sa SWB, si Tepper ay Executive Director ng D.C. Language Access Coalition, at humawak ng iba’t ibang posisyon sa iba pang mga organisasyon
Pinamumunuan naman ni Vanhoorelbeke, dating gymnastics coach, ang Otentiko, na naka-pokue sa sports initiatives na nagpapalakas sa individual strengths. May karanasan din siya sa pagtuturo sa future sports leaders.

Ang spotlight speakers sa August 24 ay sina Philippine Olympic Committee Board Member Pearl Managuelod at Mary Joy Tabal OLY, ang athletic officer ng Mandaue City.

Armado ng malakas na psychology and sports science background, si Managuelod ay gumanap ng mahalagang papel sa grassroots development at athlete support sa bansa. Kilala siya para sa transformation leadership at strategic acumen sa sports management.

Samantala, si Tabal ang unang woman Filipino marathon runner na nag-qualify sa Olympics sa 2016 Rio Games. Isa siyang three-time Southeast Asian Games medalist, nagwagi ng gold sa 2017 Kuala Lumpur habang nag-uwi ng silvers sa 2015 Singapore at 2019 Philippine edition.

Itatampok din sa OSLP Summit ang paglulunsad sa Winds of Change Project, bukod sa open forum at panel discussion at story circles sa mga participant.

Sina three-time Olympian at POA President Akiko Thomson-Guevara, na tinanggap kamakailan ang “Olympian for Life” recognition mula sa World Olympians Association sa OLY House Paris 2024, at Mindanao Peace Games convener at PSC Mindanao coordinator coach Noli Ayo, ang co-founder ng OSLP.

Ang Puerto Princesa City sa Palawan ang naging host ng unang dalawang OSLP National Sports Summits noong 2022 at 2023.