PAANO nakakaagapay ang kabuhayan ng atletang propesyunal sa gitna ng pakikipaglaban sa pandemya? Ano ang mga dapat gawin para matugunan ang pangangailangan ng professional sports sa tinaguriang ‘new normal’?
Ilan lamang ito sa mga isyu na hihimayin at inaasahang mabibigyan ng kasagutan sa isasagawang 3rd Professional Sports Summit ng Games and Amusements Board (GAB) sa Setyembre 29 via Zoom.
“Halos dalawang taon na ang pakikipaglaban natin sa COVID-19. Lahat tayo apektado at talagang apektado nang husto ang professional sports at ang ating mga atleta. Kabuhayan nila ito at ang paghinto ng sports ay malaking pasanin sa kanilang mga pamilya,” pahayag ni Mitra sa isinagawang GAB virtual media conferenece kamakailan.
“May mga liga naman na nakapagpatuloy at ‘yung mga programa at sistemang ginawa nila eh puwedeng mai-share at matularan ng iba para kahit papaano ay makapagpatuloy na ulit ang sports,” ayon sa pa sa dating Palawana governor at congressman.
Ayon kay Mitra, bukas ang Summit sa lahat ng pamilya ng GAB at iba pang stakeholders. Hiniling ni Mitra na magpatala nang maaga ang mga nais makiisa sa Facebook page ng GAB o makipag-ugnayan sa opisina ng ahensiya sa Makati City.
“Virtual kasi ito, kaya mas maaga nating maaayos ang bilang ng participants mas mainam,” aniya.
“This would be the last professional sports summit under by leadership and we’re hoping to go out with a bang,” pahayag ni Mitra.
Nakatakda ang national election sa Mayo 2022 at bukas na libro ang katotohanan na nagkakaroon ng balasahan sa mga ahensiya ng pamahalaan sa pagbabago ng liderato sa Malacanang.
Kabilang si Mitra sa mga itinalaga ni Pangulong Duterte nang magwagi ang dating Davao City mayor sa eleksiyon noong 2016.
Ang tema ng Summit ay “Professional Sports through the Pandemic: Now and Future Directions”.
Inaasahang magbibigay ng kanilang mga karanasan at programa ang iba’t ibang liga tulad ng PBA, PFL, PVL, NBL, NWBL, Chooks Pilipinas 3×3 at Pilipinas VisMin Super Cup, gayundin ang mga organisasyon sa boxing, combat sports, eSports, billiards, chess at iba pa.
“We want to share their experiences in what they did in overcoming challenges during their respective comebacks while the pandemic was going on and the sacrifices they made,” ani Mitra.
“All the while we thought we would back to normal by this time but we are not and we don’t know how this (pandemic) is going to last. We will have several updates, especially now that the situation is critical,” dagdag pa ni Mitra. EDWIN ROLLON
729903 116838This really is often a fantastic weblog, could you be interested in working on an interview about just how you developed it? If so e-mail myself! 413570
308700 433550Really clear internet website , thanks for this post. 163788
626002 512389I truly prize your piece of function, Excellent post. 230023
218310 572377Vi ringrazio, considero che quello che ho letto sia ottimo 757141
829940 586688Spot on with this write-up, I truly think this site needs significantly more consideration. Ill probably be once again to read significantly more, thanks for that information. 959494