QUEZON CITY – NAGING tahimik at walang untoward incident ang paligid, papasok at palabas ng Ba-tasang Pambansa Complex sa Brgy. Batasan Hills kanina.
Linggo pa lang ng gabi ay pinulong na nina PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde at NCRPO Director CS Guillermo Eleazar ang may 7,000 na pulis na nagsilbing tagapagtaguyod ng kaligtasan sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kaninang umaga ay muling kinausap ni Albayalde ang may 600 pulis na naka-deploy sa Batasang Pambansa Complex habang naging simbolo naman na tiwasay ang nasabing event ay ang sabay na pagkain ng “maming gala” nina Eleazar at Bayan Sec. Gen. Renato Reyes.
Upang maging matiwasay ang demonstrasyon, ang mga supporter ng Pangulo ay malapit sa Batasang Pambansa habang ang mga militante ay sa tapat ng St. Peter Church namalagi.
Aabot sa 15,000 ang nagsipag-rally, ang kabuuan ay mula sa pro at anti-Duterte.
Samantala, alas-4:00 ng hapon nang bumagsak ang signal para sa connection at maging sa internet connectivity sa Brgy. Culiat at Brgy. Commonwealth.
Wala namang naitalang nasaktan hanggang sa matapos ang naturang SONA ng Pangulo. EUNICE C/PAULA ANTOLIN
Comments are closed.