SA loob ng dalawang linggo ay matatanggap na ng incoming third telecommunications player Mislatel Consortium ang kinakailangang requirements para makapagsimulang mag-operate ang kompanya.
Ayon kay acting Department of Information and Communications Technology (DICT) Sec. Eliseo Rio, Jr., nakatakdang tang-gapin ng Mislatel ang certificate of public convenience and necessity (CPCN) nito sa Hulyo 8.
“Mabibigyan na sila ng kanilang, ‘yung CPCN nila, ‘yung permit to operate nila, ‘yung authority to operate, at ‘yung mga fre-quency nila by July 8, ‘yan ang naka-schedule,” wika ni Rio sa panayam sa radyo.
Nakatakdang igawad ng DICT sa Mislatel ang frequency bands ng 700 megahertz (MHz), 2100 MHz, 2000 MHz, 2.5 giga-hertz (GHz), 3.3 GHZ, at 3.5 GHz.
Ang Mislatel Consortium ay opisyal na idineklarang “New Major Player” ng NTC noong Nob. 19, 2018 makaraang mangako ito ng nationwide coverage na 84.01%, minimum speed na 55 megabits per second (Mbps), at capex/opex na P27 billion sa kanil-ang ika-5 taon ng operasyon.
Comments are closed.