POSIBLENG maisapubliko sa Setyembre ang pangalan ng bagong telecommunications company na papasok sa bansa.
Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT) officer-in-charge Eliseo Rio, apat na kompanya ang nagpahayag ng interes ngayong inihahanda na ang terms of reference para sa selection process.
Ani Rio, ayaw muna niyang ibulgar ang pangalan ng bagong telecom hanggang hindi pa nagkakapirmahan ng kontrata dahil baka maudlot na naman ang partnership tulad ng nangyari sa San Miguel at Telstra.
Gayunman, siniguro ni Rio na maganda ang magiging serbisyo ng kinakausap nilang third player. NENET L. VILLAFANIA
Comments are closed.