3RD US OPEN TITLE KAY DJOKOVIC

Novak Djokovic-2

NEW YORK – Nadominahan ni Novak Djokovic si Juan Martin Del Potro,  6-3, 7-6(4), 6-3, upang masikwat ang kanyang ikatlong U.S. Open title noong Linggo.

Dahil sa pinakabagong tagumpay ay hawak na ngayon ni Djokovic ang 14 Grand Slams,  dahilan upang mapantayan nito ang record ni tennis legend Pete Sampras.

Nauna rito ay naghari si D­jokovic sa Wimbledon at ­Flushing Meadows.

Itinuturing ng Serbian ang kanyang tagumpay bilang katuparan ng kanyang  pangarap.

Ayon sa 31-anyos na kampeon, hindi siya makapaniwalang naiuwi niya ang kampeonato sa US Open.

“I feel like I’m on a whole new level. Winning Wimbledon and US Open is hard to believe,” aniya.

Magugunitang bumagsak si Djokovic sa ika-22 puwesto sa ­unang bahagi ng taon makaraang sumailalim sa surgery dahil sa natamong elbow injury noong Enero.

Inaasahang aakyat sa ikaapat na puwesto sa world ranking ang Serbian matapos ang kampeonato sa U.S. Open.

Bagama’t nalungkot ay maluwag namang tinanggap ni Del Potro ang pagkatalo.

“It is not easy to speak right now,” ani Del Potro. “I’m sad because I lose but I’m happy for Novak.”

Comments are closed.