Mga laro sa Martes:
(Ninoy Aquino Stadium)
5 p.m. – Converge vs NLEX
7:30 p.m. – Phoenix vs NorthPort
KINUBRA ng San Miguel ang kanilang ikatlong panalo at ang ikalawang sunod magmula nang bumalik si Leo Austria bilang head coach makaraang ibasura ang Blackwater, 115-102, sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Ynares Center.
Nakalayo ang Beermen sa kalagitnaan ng fourth quarter nang manguna si June Mar Fajardo na may 27 points at 22 rebounds.
Umangat ang SMB sa 3-2 kartada matapos na ibalik si Austria bilang head coach noong nakaraang Biyernes.
Tumapos si Torren Jones na may 29 points at 14 rebounds para sa San Miguel, na tuluyang nakalayo makaraan ang 13-5 blast na nagbigay sa Beermen ng kanilang pinakamalaking kalamangan sa 113-98.
Hindi ganap na masaya si Austria sa panalo kung saan naghabol ang Beermen sa 18-26 sa pagtatapos ng first quarter.
“I’m not so happy kasi mataas ‘yung turnover namin,” sabi ni Austria, patungkol sa kanilang 17-9 discrepancy sa kanilang errors. “But kahit anong sama ng laro, kahit one point, a win is a win.”
Umiskor sina CJ Perez at Jericho Cruz ng 15 at 14 points, ayon sa pagkakasunod, habang si Drei Cahilig ay isang rebelasyon sa fourth quarter sa pagtala ng anim sa kanyang walong puntos sa naturang period.
Nahulog ang Blackwater sa 1-4 makaraang iposte ang kanilang unang panalo noong Huwebes kontra Meralco.
Nagbuhos sinGeorge King ng 40 points, habang nagdagdag si Sedrick Barefield ng 17 points para sa Bossing. CLYDE MARIANO
Iskor:
San Miguel (115) – Jones 29, Fajardo 27, Perez 15, Cruz 14, Trollano 11, Cahilig 8, Lassiter 5, Ross 4, Rosales 2, Tautuaa 0, Enciso 0, Brondial 0.
Blackwater (102) – King 40, Barefield 17, David 10, Ilagan 9, Chua 6, Ponferada 6, Suerte 5, Kwekuteye 5, Guinto 4, Casio 0, Escoto 0, Hill 0.
Quarters: 18-26; 55-48; 85-77; 115-102.