TINANGKA ni Ara Galang, isa sa key off-season signees ng Chery Tiggo, na umiskor laban kay Maddie Madayag ng Choco Mucho sa kanilang laro sa PVL All-Filipino Conference kamakailan. PVL PHOTO
Standings W L
Cignal 3 0
Creamline 3 0
Choco Mucho 3 0
PetroGazz 2 1
Chery Tiggo 2 1
PLDT 2 1
Akari 1 2
Farm Fresh 1 2
Capital1 1 2
Strong Group 0 3
Nxled 0 3
Galeries Tower 0 3
Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
2 p.m. – PLDT vs Capital1
4 p.m. – PetroGazz vs Akari
6 p.m. – Chery Tiggo vs Farm Fresh
SISIKAPIN ng PLDT, Petro Gazz at Chery Tiggo, magkakasalo sa fourth spot, na mapahigpit ang kapit sa kanilang puwesto sa magkakahiwalay na laro sa isa pang Premier Volleyball League All-Filipino Conference weekend tripleheader ngayong Sabado sa Filoil EcoOil Centre.
Makakaharap ng High Speed Hitters ang resurgent Capital1 side sa alas-2 ng hapon, habang makakasagupa ng Angels ang Akari sa alas-4 ng hapon.
Sisikapin ng Crossovers na makabawi mula sa tough loss sa huli nilang laro kontra mapanganib na Farm Fresh sa 6 p.m.mainer.
Magkakasama sa ibabaw ng standings ang Cignal, Creamline at Choco Mucho na may 3-0 records.
Galing sa 16-25, 23-25, 21-25 loss sa PetroGazz na pumutol sa kanilang impresibong 2-0 simula, ang PLDT ay nakahandang mag-reboot upang manatiling nakadikit sa mga lider.
Handa ang High Speed Hitters sa inspiradong Solar Spikers, na nais patunayan na hindi tsamba ang kanilang breakthrough PVL victory.
Tinalo ng Capital1 ang fellow debutant Strong Group Athletics, 25-18, 25-20, 19-25, 25-20, noong Martes.
Umaasa ang Angels sa kanilang unang winning streak sa season.
Ipinakita ng PetroGazz ang kanilang potensiyal kontra PLDT kung saan pumutok si Fil-Am Brooke Van Sickle ng 23 points, ang kanyang best outing sa kasalukuyan.
Ang Chargers ay galing sa 25-19, 25-15, 25-22 win laban sa Foxies.
“After ng past two games namin, talagang nag-focus din ako sa pattern namin sa blocking kasi yun ang kailangan namin. Bonus na ‘yung mag-block point or ma-rebound,” sabi ni Raffy Mosuela makaraang makopo ang kanyang unang panalo bilang coach ng Akari.