3X3: PASAOL, MUNZON PINANGUNAHAN ANG POOL PARA SA OLYMPIC QUALIFIER

Joshua Munzon at Alvin Pasaol

WALA nang dalawang buwan bago ang 2020 FIBA 3X3 Olympic Qualifying Tournament, inanunsiyo ng Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 ang pool na binubuo ng  top 10 3×3 players sa bansa.

Sa ilalim ng FIBA 3×3 rules, apat sa anim na players na magiging bahagi ng koponan ay dapat na nasa top 10 ng rankings ng bansa.

Ang pool ay pina­ngungunahan nina top two Filipino players Joshua Munzon at Alvin Pasaol.

Ang iba pa sa koponan ay sina Dylan Ababou, Karl Dehesa, Leonard Santillan, Chris De Chavez, Gab Banal, Jaypee Belencion, Leo De Vera, at Ryan Monteclaro.

Magmula noong Disyembre ng nakaraang taon, ang koponan ay walang humpay sa pag-eensayo kung saan ang sessions ay pinangasiwaan nina Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 commissioner Eric Altamirano, Liman ace at China head coach Stefan Stojacic, at Serbian strength and conditioning coach Darko Krsman.

Tumutulong din sa sessions sina Troy Rike at Franky Johnson.

“Our players have been training non-stop since November, giving just a few days of break during the holidays,” wika ni league owner Ronald Mascariñas. “This is our last shot at the Olympics that is why we are going all out for this.”

Ang OQT ay gaga­napin sa Marso 18-22 sa India. Tatlong koponan sa torneo ang magkukuwalipika sa 2020 Tokyo Olympics.

Comments are closed.