4-0 DADAGITIN NG FALCONS

ADAMSON

Mga laro ngayon:

(Filoil Flying V Centre)

1 p.m. – Ateneo vs UE (Men)

4 p.m. – UP vs AdU (Men)

SISIKAPIN ng Adamson at Ateneo na mapatatag ang kapit sa 1-2 spots sa magkahiwalay na laro sa UAAP men’s basketball tournament ngayon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Tatangkain ng Falcons na manataling walang dungis sa pagsagupa sa University of the Philippines sa alas-4 ng hapon, habang target ng Blue Eagles ang ikatlong sunod na panalo sa 1 p.m. showdown sa wala pang panalong University of the East.

Binalaan ni coach Franz Pumaren ang kanyang tropa na huwag maging kumpiyansa sa kabila ng impresibong 3-0 simula ng Adamson.

“We have to be consistent with our defense. In our last game we relaxed a little bit. So we have to be more focused on that even if we’re control, like in the game against UST,” wika ni Pumaren.

“We also have execute more with our plays. Sometimes we tend to veer away from what we are doing. So we have to stick to the offensive execution,” dagdag pa niya.

Sa kabila ng 1-2 record ng Fighting Maroons ay batid ng Falcons na may kakayahan itong umangat pa sa standings.

“We expect UP to bounce back hard after playing what I think their worst game of the season in their last game (against FEU). It’s going to be a tough game, as I’ve said games will be tough as we move forward in this tournament,” ani  Pumaren.

Magbabalik si coach Bo Perasol sa Maroons bench makaraang pagsilbihan ang kanyang suspensiyon sa 73-89 pagkatalo sa Tamaraws noong Linggo.

Pinapaboran naman ang back-to-back title-seeking ­Eagles laban sa kulelat na Red Warriors, na hindi pa nananalo sa ilalim ng bagong coach na si Joe Silva.

Comments are closed.