LUMOBO ang trade gap ng bansa noong Oktubre makaraang muling mahigitan ng paglago sa imports ang exports sa naturang panahon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa datos ng PSA ay lumitaw na ang balance of trade in goods deficit ay lumaki sa $4.016 billion noong Oktubre, tumaas ng 96.1% mula sa $2.048 billion sa kaparehong buwan noong 2020.
Ang trade gap noong Oktubre ay mas mataas din kumpara sa $3.995-billion na naitala noong Setyembre.
Ang total trade — ang kabuuan ng external trade in goods ng bansa — ay nagkakahalaga ng $16.839 billion, mas mataas ng 15.2% kumpara sa $14.622 billion year-on-year.
Nagkakaroon ng trade deficit kapag ang halaga ng imports ng bansa ay mas mataas sa exports.
Ayon sa PSA, ang imports ay tumaas ng 25.1% sa $10.43 billion dahil sa pagtaas sa walo sa top 10 major commodity groups, sa pangunguna ng was mineral fuels, lubricants at mga kaugnay na materials na may 163.7% increase.
Sinundan ito ng medicinal at pharmaceutical products (145.2%); at industrial machinery at equipment (38.4%).
Ang China ang pinakamalaking supplier ng imported goods na nagkakahalaga ng $2.08 billion o 19.9% ng total imports noong Oktubre.
Sumusunod ang Japan, na may $1.02 billion o 9.8% ng total imports; South Korea, na may $930.42 million o 8.9%; Indonesia, $728.71 million o 7.0%; at United States, $716.25 million o 6.9%.
Ang exports ay umabot naman sa $6.41 billion, tumaas ng 2% kung saan pito sa 10 major commodity groups pagdating sa value of exports ang nagtala ng annual increases, sa pangunguna ng coconut oil sa 76.9%.
“This was followed by cathodes & sections of cathodes, of refined copper (56.0%), and chemicals (53.7%),” ayon sa PSA.
Ang China rin ang pinakamalaking export market ng bansa noong Oktubre, na may exports na nagkakahalagang $1.01 billion, o 15.8% ng kabuuan.
Sumusunod sa China ang United States, na may $962.31 million, o 15.0% ng total exports; Hong Kong, $865.62 million, o 13.5%; Japan, $859.67 million, o 13.4%; at Singapore, na nakapag-ambag ng $390.59 million, o 6.1%.