4.2 MAGNITUDE QUAKE SA ALBAY NAITALA

WALANG pinsala at aftershocks sa bahagyang pag-uga sa Rapu-Rapu Albay noong Sabado.

Ito ang tiniyak ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) makaraang yanigin ng magnitude 4.2 na lindol ang nasabing lugar at ilan pang karatig-lugar dakong alas-5:23 ng madaling-araw.

Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 12 km, northeast ng Rapu-Rapu.

Ayon sa Phivolcs, may lalim na 9 km at tectonic in origin.

Naiulat naman ang Instrumental Intensity IV sa Sorsogon City habang naitala rin ng mga instrumento ang sumusunod na intensity na Intensity IV – Sorsogon City, Sorsogon; Intensity III- Legazpi City, Albay at Intensity I – Pili, Camarines Sur.

85 thoughts on “4.2 MAGNITUDE QUAKE SA ALBAY NAITALA”

Comments are closed.