CAVITE-SINIRA ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang aabot sa 4.28 tonelada ang mga harmful at unfit for consumption na mga produkto upang maprotektahan ang kalusugan ng publiko.
Ang nangyaring condemnation ay ginanap kamakailan sa Trece Martires sa naturang lalawigan bilang proteksiyon sa pagpasok ng mga unsafe at hazardous goods sa ating bansa.
Gamit sa pagsira sa mga naturang produkto ang Thermal Decomposer (Pyrolysis) Facility ng Integrated Waste Management Inc. (IWMI) upang hindi na ito kumalat sa mga pamilihang bayan.
Sa talaan ng BOC, umabot na sa 371.42 tonelada ng mga unregistered at hazardous goods ang nasamsam ng mga tauhan ng ahensiya habang ang bansa ay nasa ilalim ng COVID-19 pandemic. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.