(4-5% mula 6-7%) 2021 GROWTH FORECAST TINAPYASAN

GROWTH FORECAST

IBINABA ng economic  managers ang 2021 growth forecast sa 4 percent hanggang 5 percent sa gitna ng pagpapatupad ng pinakamahigpit na quarantine restrictions upang mapigilan ang pagkalat ng mas mabilis makahawang COVID-19 Delta variant.

Ayon sa inter-agency Development Budget Coordination Committee (DBCC), ang naunang ptojection na mula 6 percent hanggang 7 percent para ngayong taon ay maaaring matamo kung hindi nagpatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa iba’t ibang lugar sa buong bansa, kabilang ang Metro Manila na bumubuo sa 70 percent ng annual output ng ekonomiya.

“Our strategy is to continue managing the risks carefully by imposing granular quarantines, while allowing a vast number of people to earn a living. We will continue to use this period to accelerate the roll-out of the vaccination program,” sabi ng DBCC sa isang statement.

Binanggit sa statement ang maingat na pagbalanse ng pamahalaan sa “COVID-19 at non-COVID-19 risks” sa first half ng taon na nagresulta sa positive output print sa second quarter sa 11.8 percent mula sa  -3.9 percent sa naunang quarter.

Tinapos ng second-quarter growth print ang limang quarters na contraction sa gross domestic product (GDP) dulot ng pandemya.

Samantala, pinanatili ng mga economic manager ang GDP target sa susunod na taon sa pagitan ng 7 percent at 9 percent at ang 2023-2024 target mula  6 percent hanggang 7 percent. PNA

6 thoughts on “(4-5% mula 6-7%) 2021 GROWTH FORECAST TINAPYASAN”

Comments are closed.