4.6 MAGNITUDE QUAKE SA ZAMBALES

INUGA ng 4.6 magnitude quake ang Masinloc, Zambales kahapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natunton ang epicentre ng lindol sa apat na kilometro ng timog-kanluran ng Masinloc, alas 2:27 ng hapon.

May lalim ang tectonic in origin na lindol na 35 kilometro.

Naramdaman ang pagyanig na Intensity II sa Quezon City at Makati City.

Nagkaroon din instrumental Intensities sa Olongapo City, Zambales na Intensity II rin;
Intensity I sa Marikina City; Plaridel, Bulacan; Guagua, Pampanga; Dagupan City, Pangasinan; Gapan City, Nueva Ecija

Tiniyak naman ng Phivolcs na walang aftershock habang wala ring nasugatan sa pagyanig.