4.7-M STUDES NAGPA-ENROLL SA SY 2021-2022

Deped pasig

UMABOT sa 4.7 mil­yon ang bilang ng mga estudyante na nagpa-enroll para sa school year 2021-2022.

Base sa datos ng Department of Education (DepEd) sa araw ng Martes,  nasa 4,777,942 ang total enrollment sa kindergarten hanggang Grade 12 sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.

Kombinasyon ang naturang datos ng early registrations at LIS – quick counts.

Naitala na may pinakamaraming enrollees  sa Region 4-A na may 533,722 mag-aaral.

Sumunod ang Region 7 na may 411,772 enrollees, at Region 6 na may 399,130 enrollees.

Nagsimula ang enrollment nitong Lunes, Agos­to 16 at magpapatuloy hanggang sa pagbubukas ng klase sa Setyembre 13, 2021.  ELMA GUIDO

86 thoughts on “4.7-M STUDES NAGPA-ENROLL SA SY 2021-2022”

Comments are closed.