MERALCO TINIYAK ANG SUPLAY NG KURYENTE SA HALALAN; HOTLINE INILUNSAD

INILUNSAD ng Meralco ang kanilang Halalan hotline kasunod ng nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Lunes, May 14.

Kasunod nito, tiniyak ng Meralco na may sapat na supply ng kuryente sa Lunes.

Nakaantabay rin aniya ang 180 generator sets at 500 Meralco crew sa Lunes sakaling magkaroon ng emergency power interrup-tion sa araw ng halalan.

Ayon kay Joe Zaldariagga, tagapagsalita ng Me­ralco, maaaring tumawag sa mga numerong 6328118 kung magkakaroon ng problema sa linya ng kuryente o mawalan ng kuryente sa araw ng eleksyon.

Maaari ding mag-text sa mga numerong 09209716211 para sa Smart users, 09175516211 globe users at 09257716211 Sun users.

Comments are closed.