4 ADIK TIMBOG SA ENTRAPMENT

BATAAN- NASAKOTE ang apat katao na sangkot sa illegal na droga sa Brgy. Pantalan sa bayan ng Orani sa lalawigang ito.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni Region 3 Director BGen Cesar Pasiwen, kinilala ang mga nadakip na sina Joyce Karen Ramirez y Litan, alyas Karen, 24-anyos ng Limay; Jordan Jamandre y Ambrocio alyas Dandan, 28-anyos; Ramil Ventura y Bautista alyas Mulong, 53-anyos at Enrico Gatdula y Santos alyas Ikong, 54-anyos, kapwa ng residente ng Brgy. Pantalan Luma sa nabangit na bayan.

Nakuha sa sinasabing drug den ang 13 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P88,400.00, assorted drug paraphernalias at buy-bust money.

Samantala detenido ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. THONY ARCENAL