4 AIR ASSETS NG PAF NA US MADE BUMAGSAK

APAT na military asset ng Philippine Air Force (PAF) ang bumagsak ngayong taon na ikinasawi ng mahigit 60 sundalo at dalawa sa mga sasakyang panghimpapawid na halos kade-deliver lamang sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa tala ng PAF,ang apat na aircraft ang bumagsak ngayon taon ay kinabibilangan ng tatlong helicopters kasama ang bagong biling S-70i Black Hawk Utility helicopter na bumagsak noong Hunyo 23 at ikinasawi ng anim na sundalo.

Umakyat naman sa 52 ang bilang ng nasawi sa bumagsak na 20-year old C-130 Hercules transport plane na galing ng US, binili sa pamamagitan foreign military sales kaugnay ng excess defense article ng US at dumating sa Filipinas nito lamang Enero 29 ng kasalukuyang taon.

Bagong-bago naman ang US licensed S-70i Black Hawk Utility helicopter na gawang Poland nang bumagsak nito lamang Hunyo 23 malapit sa Colonel Ernest Rabina Air Base sa Capas, Tarlac.

Isang MD 520MG helicopter naman ang bumagsak na ikinasawng isang piloto ng PAF 15th strike wing sa Getafe, Bohol, nitong Abril 27 habang nagsasagawa ng engineering flight dahil sa mechanical failure.

Gayundin, nito lamang Enero 16, isang UH-1H Huey Helicopter ang bumagsak sa bayan ng Pasugong na ikinamatay ng pitong sakay habang nagsasagawa ng supply run .

Nabatid na umaabot na 15 military aircraft ang bumagsak sa loob lamang ng sampung taon o simula Abril,2011.

Ayon sa AFP, mayroon pang apat na C130 maliban sa nasabing bumagsak, isa ang kasalukuyang grounded at dalawa naman ang nire-repair sa Portugal at isa pa ang nakatakdang i-deliver.

Samantala , nagpaabot din nang kanilang pakikiramay sa Filipinas ang
Estados Unidos matapos na bumagsak ang isang C-130 cargo plane sa Sulu kamakailan.
VERLIN RUIZ

33 thoughts on “4 AIR ASSETS NG PAF NA US MADE BUMAGSAK”

  1. 55917 978779I was suggested this blog by way of my cousin. Im no longer sure whether or not this put up is written by him as nobody else realize such detailed about my trouble. Youre fantastic! Thanks! 195170

  2. 562089 895008Im so happy to read this. This really is the type of manual that needs to be given and not the accidental misinformation thats at the other blogs. Appreciate your sharing this greatest doc. 81010

Comments are closed.