ISABELA – Isang batang babae na ang edad ay apat ang nasawi habang anim ang sugatan sa banggaan ng isang motorsiklo at isang tricycle sa Barangay Minanga, San Mariano.
Kinilala ng San Mariano Police Station ang batang nasawi sa salpukan ng dalawang sasakyan na si Rexie Jean Tanggapan, 4, at sugatan naman ang kanyang mga magulang na si Ericson Tanggapan, 37, at si Julie Tanggapan, 36, lulan ang tatlong mag-anak ng isang motorsiklo na pawang residente ng Dibuluan, San Mariano.
Ayon sa San Mariano Police Station habang mabilis na tinatahak ng mag-anak na Tanggapan ang national highway lulan ang kanilang service na motorsiklo nang mag-overtake si Tanggapan sa isang sasakyan kung kayat hindi nito napansin ang tricycle na kasalubong na menamaneho ni Ericson Magundayao, residente ng Minanga.
Sugatan din si Magundayao, driver ng tricycle, kasama sa nasugatan ang lulan na tatlong mag-aaral na sina Maryjoy Cañaberal, 17-anyos, residente ng Zone 3, San Mariano; Ronalyn Calixtro, 17-anyos, residente ng San Jose, San Mariano; at Joan Guiquing, 17-anyos, residente ng San Mariano, Isabela.
Ayon pa sa awtoridad, kritikal baka umano madagdagan pa ang nasawi sa salpukan ng dalawang sasakyan dahil ang isa sa lulan ng tricycle ay nasa kritikal na kondisyon at nilalapatan ng lunas sa pagamutan. IRENE GONZALES
Comments are closed.