4-ANYOS NADALE NG MENINGOCOCCEMIA

MENINGOCOCCEMIA

CAVITE – ISANG 4-anyos na lalaki mula sa bayan ng Ternate ang nasawi dahil sa hinihinalang meningococcemia.

Umapela ang health authorities sa publiko na magpakalat ng takot dahil hindi pa nakukumpirma ang laboratory tests sa bata.

Ayon kay Dr. Nelson Soriano, provincial health officer, nagbigay na sila ng prophylaxis sa mga miyembro ng pamilya ng bata at sa mga nagka-roon ng close contact sa pas­yente upang maiwasan ang pagkalat ng bacteria, sakaling positibo ang resulta ng pagsusuri.

Isinumite na ang cerebrospinal fluid ng paslit sa research institute for tropical medicine sa Muntinlupa City para sa testing.

Sa pahayag ni So­riano, nakitaan ng sintomas ang pasyente ng gaya sa meningococcemia, na may mataas na lagnat at panghihina.

Unang dinala ang bata sa Cavite Municipal Hospital at kalaunan ay inilipat sa San Lorenzo Ruiz Hospital sa Naic, subalit namatay ito noong ­Huwebes, Setyembre 12  ng umaga. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.