4-ANYOS NASAGASAAN NG PATROL CAR

patrol car

PASAY CITY – PATAY ang isang 4-anyos na batang lalaki matapos itong masagasaan ng isang mobile patrol car habang ito ay naglalaro kamakalawa ng hapon sa lungsod na ito.

Sanhi ng matinding pinsala sa katawan ay nasawi habang ginagamot sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang biktimang si Camelo Cagoco, ng #2946 Kapitan Ambo St., ng nabanggit na lungsod.

Nahaharap naman sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide ang pulis na si Cpl. Ramil Avecilla, 34, kasalukuyang nakatalaga sa Baclaran Police Community Precinct at nakatira sa El Centro, Lusacan, Tiaong, Quezon.

Ayon sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD) ang insidente ay naganap dakong 4:10 ng hapon sa harap ng Pasadena Restaurant na matatagpuan sa kahabaan ng Kapitan Ambo St., Pasay City.

Base sa imbestigas­yon bago ang insidente ay minamaneho ni Avecilla ang isang police mobile patrol car number J18 na isang Montero at binabagtas nito ang naturang lugar na nanggaling sa FB Harrison St. papuntang Taft Avenue.

Ang biktima naman na naglalaro sa kalsada ay biglang tumakbo sa harapan ng gulong ng natu­rang mobile car.

Huli na bago nakontrol ni Garcia ang preno at nasagaaan na nito ang bata kung kaya agad nitong binuhat ang bata at dali-da­ling isinugod sa nabanggit na ospital. MARIVIC FERNANDEZ