INIHAYAG ni Quezon City Police District (QCPD) Director, BGen Remus Medina ang pagkakaaresto ng apat na suspek matapos maaktuhang nagbebenta ng shabu na may kabuuang halaga na P136,000.00 kahapon sa Quezon City.
Ayon sa ulat ng Paong Putik Police Station (PS 9) sa pamumuno ni Lt Col Vicente Bumalay Jr, nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng PS 16 dakong alas-12:40 ng tanghali nitong Linggo sa Geronimo Compound, Brgy. Sta. Monica, Quezon City na nagresulta sa pagkakadakip nina Peter Brian Dela Cruz, 33-anyos; Jose Dela Cruz; 54-anyos; Cheryl Quiambao, 43-anyos at Editha Dela Cruz na pawang nakatira sa Brgy. Sta. Monica, Quezon City.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang benteng gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000.00, isang telepono, isang coin purse, at ang perang ginamit sa transaksyon.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. EVELYN GARCIA