4 BAGONG MATAAS NA PUWESTO SA PNP

albayalde

CAMP CRAME – PINA­NGALANAN ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Oscar Albayalde ang apat na opisyal para sa bagong puwesto sa minor reorganization  kaya magagalaw ang mga puwesto sa nasabing organisasyon.

Una nang inaprubahan ni Albayalde ang bagong designations  batay sa rekomendasyon ng PNP Senior Officers Placement and Promotion Board (SOPPB).

Ang apat na opisyal para sa bago nilang puwesto ay sina  PBGen. Carlito Feliciano, Deputy Director, DIPO-Eastern Mindanao (mula sa Ex-O DIPO, Eastern Mindanao), miyembro ng PNPA Tagapaglingkod Class of 1987; PBGEN Dennis Agustin – Acting Director, Anti-Cybercrime Group (mula sa PRO7), mi­yembro ng PMA Maringal Class of 1988;  P/Col. Ronaldo F. De Jesus- Acting Ex-O, DIPO-Eastern Mindanao (mula sa ACG), miyembro ng PNPA Tagapagbuklod Class of 1989; at PCOL ILDE-BRANDI N USANA-Acting Deputy Director for Admin, PRO 7 (mula sa OCPNP),  miyembro rin ng PNPA Tagapagbuklod Class of 1989.

Ang huling rigodon sa PNP ay sanhi ng retirement ng ilang police officials. EUNICE C.

Comments are closed.