4 BAHAY WINASIWAS NG BUHAWI

APAT na kabahayan ang winasak ng malakas na hangin gayundin ang isang tindahan sa dalawang Barangay sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Ayon sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO-Sultan Kudarat) na tinamaan ng malakas na hangin ang Barangay Mangelen at Brgy Central Mangilala President Quirino Sultan Kudarat.

Wasak ang apat na bahay,isang tindahan at nasira ang isang motorsiklo na nabagsakan ng nabuwal na punong kahoy.

Wala namang nasaktan sa animo’y bagyong hangin o buhawi ngunit nagdulot ito ng takot sa mga residente.

Matatandaan na binayo rin ng buhawi ang ibang lugar sa probinsya ng Sultan Kudarat at North Cotabato.