IKINATUWA ng pamahalaan ang pagkakapasok ng apat na naggagandahang beaches sa bansa, sa 2019 Traveler’s Choice Top 25 Beaches sa Asya, ng travel website na TripAdvisor.
Ayon sa naturang travel website, ang White Beach ng Boracay Island ang nakakopo ng pang-siyam na puwesto sa pinaka-mamagandang beach sa Asya, habang nakuha naman ng Nacpan Beach sa El Nido, Palawan ang pang-13 puwesto.
Pasok din ang Las Cabanas Beach sa El Nido, Palawan, ang pang-22 puwesto; habang ang Puka Shell Beach sa Boracay ang pumuwesto sa pang-25.
Nanguna naman sa listahan ang Radhanagar Beach, Havelock Island, Andaman and Nicobar Islands ha-bang kabilang din sa listahan ang (2) Kelingking Beach, Nusa Penida, Bali; (3) Nai Harn Beach, Thailand; (4) Agonda Beach, India; (5) Bentota, Sri Lanka; (6) Phranang Cave Beach, Ao Nang, Thailand; (7) Varca Beach, Varca, India; (8) Karon Beach, Thailand; (10) Ngapali, Myanmar; (11) Cavelossim, India; (12) Kata Beach, Thailand; (14) Mirissa, Sri Lanka; (15) Nusa Dua Beach, Indonesia; (16) Thong Nai Pan Noi, Surat Thani Province; (17) An Bang Beach, Hoi An, Vietnam; (18) Benaulim Beach, India; (19) Passikuda, Sri Lanka; (20) Haeundae, Busan, South Korea; (21) Pandawa Beach, Kuta, Indonesia; (23) Hikkaduwa Beach, Sri Lanka; at (24) Selong Belanak, Indonesia.
Kaugnay nito, ikinagalak naman ng DOT ang naturang pagkilala.
“We take it that this TripAdvisor citation of Boracay and El Nido, is indicative of the positive reactions to the reforms and new policies being implemented in an effort to inculcate a culture of sustainable tour-ism,” ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romu-lo- Puyat.
“This bodes well with our campaign of highlighting the people’s genuine testaments and reactions to our destinations,” aniya pa.
Matatandaang una nang isinailalim sa anim na buwang rehabilitasyon ang Boracay upang mapanatili ang kagandahan nito. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.