4 BEBOT NASAGIP SA SEX SPA, 2 KALABOSO

Spa

QUEZON CITY – DALAWA katao ang arestado sa pagsalakay ng mga tauhan ng ­Quezon City Police District sa isang wellness facility na nag-aalok ng ibang serbisyo noong Biyernes sa E. Rodriguez Avenue, ­Quezon City.

Nagsanib ang ele­mento ng iba’t ibang yunit ng QCPD at Anti-Cyber Crime Unit saka sinalakay ang isang spa umano’y may-roong pang special services offer.

Ang operasyon ay tinawag na  Oplan Magdalena laban sa Spa kung saan nasagip ang apat na kababaihan habang inaresto na si alyas Charmaine,  Cashier/Receptionist dahil sa  violation of RA 10175 (Expanded Anti-human Trafficking in relation to Anti Cyber-crime Prevention Act of 2012) at  alyas Dennis, dahil naman sa violation of QC Ordinance No. SP 1516 (recipient of the sexual acts).

Ang naturang serbisyo sa  nasabing  Spa ay ginagawa sa pamamagitan ng online booking kung saan nakalagay sa  website ang mga larawan ng mga babae.

Dahil dito, ipinag-utos ni Mayor Joy Belmonte ang BPLO sa pagpapasara ng naturang establisimyento at ang cancellation of business permit ng mga ito. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.