4 BIFF TUMBA SA MILITARY OPERATION

MAGUINDANAO- APAT na kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) – Karialan faction ang napatay ng mga sundalo sa Datu Paglas sa lalawigang ito kahapon ng umaga.

Ayon kay BrigGen Roy Galido, Commander 601st Infantry Brigade, nakasagupa ng kanilang tropa ang mga tumatakas na BIFF – Karialan faction na tumagal ng ilang minuto na naging sanhi ng pagkamatay ng apat na kasapi ng extremist group at nakakumpiska ng isang high po­wered firearm at war materials.

Nabatid na hindi nilubayan ng Joint Task Force Central at 6th Infantry Division sa pamumuno ni Major General Juvymax Uy, Commander ang ginawang pagtugis sa mga terorista sa Datu Paglas at mga kalapit bayan matapos ang naganap na pamamaril ng mga ito sa Paglas Public Market nitong Mayo 8.

Bukod sa apat na napatay, may dalawang ekstremista rin ang nadakip sa gitna ng pina-igting na militar at police manhunt operation.

Naganap ang sagupaan sa Datu paglas kahapon ng umaga matapos na bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Headquarters ng 6th Infantry Division sa Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao kamakalawa.

Pinulong ni Duterte ang military area commanders at local officials ng Central Mindanao at BARMM sa ginanap na private meeting sa loob ng military camp kung saan hiniling nito sa Local Chief Executives na tulungan siyang wakasan ang banta ng mga extremist at mga tero­rista sa Central Mindanao.

Inatasan din nito ang AFP at PNP na paigtingin ang military operations upang masawata ang mga terrorist groups sa pananalakay sa mga civilian populace at mga komunidad. VERLIN RUIZ

46 thoughts on “4 BIFF TUMBA SA MILITARY OPERATION”

Comments are closed.