PARAÑAQUE CITY – NA-INTERCEPT ng Bureau of Immigration (BI) sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang apat na Filipino na pinaghihinalaang biktima ng human trafficking
Ayon sa Travel Control And Enforcement Unit (TCEU), ang apat na biktima ay hinarang sa Terminal 1 habang pasakay sa kanilang mga flight.
Papunta sana ng Hong Kong saka may connecting flight sana patungong United Arab Emirates bilang overseas Filipino worker.
Inamin ng mga ito na na-recruit sila bilang mga domestic helper at ang kasama nilang lalaki ay magtatrabaho bilang isang secretary, ayon sa pahayag ni BI-TCEU chief Ma. Timotea Barizo.
Nabatid ni Barizo na ang apat ay na-recruit ng isang nagngangalang “Emilyn” na kasalukuyang nakabase sa UAE, at nagtatrabaho bilang household worker na sinasabing ina ng isa sa biktima.
Ang apat na biktima ay agad na na-turn over sa opisina ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa isasagawang masusing imbestigasyon .
Samantala, naaresto rin ng mga tauhan ng BI-TCEU noong Disyembre 24 ang isang African-Chinese na si Honda Winto Chen, 43-anyos.
Nadiskobre ng mga taga- BI ang data based na madalas lumabas at pumasok sa bansa gamit ang Burikina passport, at ayon kay Chen, isinilang siya sa Tondo, Maynila ngunit hindi siya marunong magsalita ng Tagalog. FROI MORALLOS
Comments are closed.