NAHAHARAP sa kasong paglabag sa pro- bisyon ng 1997 National Internal Revenue Code (NIRC) at Republic Act No. 11346 na may kaugnayan sa illegal selling ng vapes ang apat na negosyante sa gitna ng pagsusumikap ni Bureau of Internal Revenue Commisioner Romeo Lumagui, Jr. na sugpuin ang mga ilegal na negosyo.
Ang criminal complaints ay resulta ng mga isinagawang pagsalakay na pinamunuan mismo ng BIR chief sa onsite at online business operations sa area ng Binondo, Maynila kamakailan.
Nakumpiska ng BIR intelligence operatives ang mula 50,000 hanggang 100,000 bulto ng vapes units at 899 boxes ng untaxed excisable articles na may kabuuang 175,050 pieces ng pods at 61,400 pieces ng mga botelya nitong flavored juice products na tinatayang umaabot sa halagang P15 milyon hanggang P30 milyon.
Hindi muna pinangalanan ni Commissioner Lum- agui ang apat na negosyante habang inihahanda ang kasong isasampa sa korte laban sa mga ito.
“I hope this serves yet another warning to those who think that they can continue to evade the payment of their taxes. We are hands on and focused in our job, and we take this very seriously,” sabi ni Lumagui.
Tinataya ni Commissioner Lumagui na aabot sa P1.4 bilyon ang nawawala sa kaban ng gobyerno sa ganitong uri ng smuggled vapes.
“The excise tax for nicotine salts is P47 per miligram. So, with an estimated 500,000 units per month brought in illegally, with an average of 5-miligram content at P47 per miligram, the country loses around P117.5 million per mith or P1.410 billion annually,” paliwanag ni Lumagui.
Sinabi ni Lumagui na ang popularidad sa pag- gamit ng vape bilang smoking alternative ang nag-uudyok sa mga unscrupulous businessmen and traders na mag-import at ilegal na magbenta ng ganitong pro- dukto dahil sa laki ng kanilang kinikita subalit maliit naman ang binabayarang buwis.
Samantala, para umano masugpo ang graft and corruptions at mapataas ang tax collections ng BIR, inaprubahan ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang mungkahi ni Commissioner Lumagui na balasahin ang mga key position sa kawanihan.
Sa bisa ng Revenue Travel Assignment Order No. 183-2022, ninombrahan ng BIR chief si Revenue Deputy Commissioner for Operations Maridur Rosa- rio at itinalaga namang bagong Assistant Commissiiner for Large Taxpsyers si Atty. Jethro Sabariaga.
Ang mga bagong BIR regional directors ay sina Edgar Tolentino (South NCR), Albino Galanza (East NCR), Claire Corpus (Cordillera Autonimous Region), Josephine Virtucio (Calasiao, Pangasinan), Douglas Rufino (Cebu City), Antonio Jonathan Jami- nola (Tuguegarao City), Emmanuel Ferrer, Jr. (San Fernando, Pampanga), Renato Molina (City of Ma- nila), Dondanon Galera (LaQueMar), Rufino Cantaros (Chief of Staff – Office of the Commissioner), Erick Diesto (Asst. Dir. East NCR), Wrenolph Panganiban (Asst. Dir. South NCR), Antonio Ilagan (Asst. Dir. Quezon City), Philip Mayo (Chief of Staff – Office of the DepCom for Operations) at Marlon Mendoza (Chief Legal, QC).