4 CABINET MEMBERS TATAKBONG SENADOR

Alfonso Cusi

APAT na  miyembro ng Gabinete  ang tatakbo sa pagka-senador sa  2022 national elections sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) faction na pinamumunuan ni  Energy Secretary Alfonso Cusi.

Kinumpirma ni Sec. Cusi na kabilang sa mga kakandidato  ay sina  Presidential spokesperson Harry Roque, Public Works Secretary Mark Villar, Presidential legal counsel Salvador Pane­lo, at Anti-corruption commission chairperson Greco Belgica.

“Si Secretary Panelo po, tuloy po ang pagtakbo niya, Secretary Villar, then si Greco po, Greco will run, Secretary Roque will also run,” ang paha­yag ni Cusi sa panayam ng  ABS-CBN News Channel.

Sina Labor Secretary Silvestre Bello III at Transportation Secretary Arthur Tugade ang iba pang mga miyembro ng Gabinete na inisyal na nasa senatorial slate.

Samantala, naniniwala naman si Cusi na magre­retiro na ang Pa­ngulong Duterte sa pulitika.

Habang sinasabi na si Pangulong  Duterte ay magiging pamalit bilang kandidato sa pagka-bise presidente para sa partido PDP-Laban ay hindi naman ito  isinasaalang-alang ngayon.

Wala na aniyang hahanapin pa ang Pangulo dahil naging mayor na ito, vice mayor, congressman, ngunit ang posibilidad na magbago ng isip ang Pangulo ay la­ging nariyan depende sa sitwasyon, dagdag pa ni Cusi.

7 thoughts on “4 CABINET MEMBERS TATAKBONG SENADOR”

Comments are closed.