PASAY CITY – HULI sa entrapment operation ang apat na Chinese matapos nilang dukutin ang kanilang kababayan noong Sabado ng madaling araw.
Batay sa report na inilabas ng Southern Police District (SPD), dinukot nina Wu Ping, Wang Xin Nong, Wie Wang at Wu Luo si Xiao Jie, 25-anyos, cashier at tumutuloy sa isang residential resort sa nasabing lungsod.
Ang apat na Chinese, kabilang ang isang negosyante ay pawang nakatira sa Binondo, Manila.
Ang nasabing insidente ay ini-report sa pulisya ng kaibigan ng biktima na si Zhinkun Guo, isang casino agent at humingi ng tulong sa mga pulis para isalba ang kaibigan nito.
Sinasabing humihingi ang mga suspek ng P470,000 kapalit ng kalayaan ng biktima.
Kasong kidnapping at serious illegal detention ang isasampang kaso laban sa apat na Chinese. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.