4 CHINESE PATAY, P262-M SHABU KUMPISKADO SA PAMPANGA

HALOS 38 kilos ng umano’y shabu ang nasamsam sa magkasabib na anti-narcotics operation na ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na siyang lead aganecy, Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) kahapon sa Angeles City.

Sa ulat apat na Chinese na pawang hinihinalang kasapi ng big-time international drug syndicate ang napatay sa inilunsad na operasyon.

Kinilala ang mga napatay na sina Cai Ya Bing alyas Cai, 29-anyos, mula Yuncheng City, Shanxi; Erbo Ke, alyas Payat, 34-anyos, Quanzhou City, Fujian; Huang Guidong, 43-anyos at Wuyuan Shen, 41-anhyos na taga Zhang Zhou, Fujian.

Tinatayaang aabot sa sa P262 milyon ang street value ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa apat na Chinese na nadakip kasunod ng iniltag.

Na buy bust operation sa Gadiola Street, Punta Verde Subdivision, Pulong Cacutod, Angeles City.

Bukod sa droga ay nkakumpiska rin ang ang mga suspek ng apat na kalibre .45 na baril at cellphone.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek na nahulihan ng 240 kilong shabu sa Dasmariñas, Cavite.

Tinatayang nasa P1.656 bilyon ang halaga ng naturang kontrabando na nahuli sa dalawa drug personalities.

Sa ulat na natangap ni PDEA Director General Wilkins Villanueva mula kay PDEA Intelligence and Investigation Service (PDEA-IIS) Director
Adrian Alvariño, ay kinilalang daalwang bigtime drug dealer na sina Wilfredo Blanco Jr. at Megan Perero.

Nagulat pa umano ang mga anti-drug operatives ng tumambad sa kanila ang kilokilo ng shabu.

Sa pahayag ng mga PDEA agents na tinangka, lamang nilang bumili ng isang kilong shabu sa mga suspek pero kinalaunan ay tumambad ang 240 kilo ng shabu sa van ng kanilang target.

Nakatakda umano i-deliver sa Calabarzon, Visayas at Mindanao ang shabu.
VERLIN RUIZ/ ANDY DE GUZMAN

Comments are closed.