CAVITE- INARESTO ng mga awtoridad ang apat na dayuhan dahil sa paglabag ng RA 8491 o pagpapakita ng walang paggalang sa watawat ng Pilipinas.
Ayon sa report na nakarating sa Bureau of Immigration (BI), ang apat na mga dayuhan ay kinabibilangan ng tatlong Pakistani at isang Romanian.
Dinampot ang mga ito noong Hunyo 26 nang pagtulung- tulungan na punitin at itapon ang bandila ng Pilipinas .
Ang apat ay pansamantalng nakakulong sa BI Detention Center sa Taguig at sumasailalim sa masusing imbestigasyon.
FROILAN MORALLOS