4 DAYUHAN BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING NALAMBAT

NALAMBAT ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang apat na Arabo na biktima ng sindikato sa human trafficking.

Ayon sa impormasyon, ang apat na dayuhan ay mag-iina na nais magtungo sa United Kingdom sakay ng Cathay Pacific flight via Hongkong bago tumuloy sa kanilang final destination.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco, ang tatlong dayuhan ay nagprisinta ng Seychelles passport sa airline crew at immigration counter ngunit nang ipadaan sa BI’s forensic laboratory ay nadiskubreng peke ang mga ito.

Ang apat na dayuhan ay kasalukuyang nag-undergo sa masusing imbestigasyon sa mga tauhan ng BI legal department bago pasakayin pauwi sa kanilang port of origin.

Ayon kay Atty. Carlos Capulong, dumating ang apat nitong Nobyembre 6 at inaalam pa ang tunay na nasyunalidad ng mag-iina.

Mananatili ang mga ito ng mahigit sa isang Linggo bago ipa-book sa kanilang outound flight pabalik sa kanilang lugar. FROILAN MORALLOS