4 DAYUHAN INARESTO SA IBA’T IBANG KASO

INARESTO ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Immigration (BI) Intelligence Division sa tulong ng Iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ang apat na dayuhan sa magkakahiwalay na operasyon sa Makati City, Pasay City at Benguent.

Ayon kay BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan jr. kinilala ang mga suspek na sina, Fang Binbin 39 anyos, Hujie Nie 26 anyos, Li Ying Long 40 anyos pawang mga Chinese national, at Korean national Park Mounghoon 51 anyos.

Ayon sa report natiklo si Fang noong December 5 habang naglalakad sa kahabaan ng Chino Roces Avenue Makati City.

Habang sina Nie at Long ay nahuli sa may Villaruel st. sa Pasay City habang nagpro-process ng kanilang working visa.

At batay sa impormasyon pagtratrabaho ang mga ito sa ibang kumpanya or establishment other than his petitioner.

At si park ay naaresto sa La Trinidad Benguet dahil sa pagtratrabaho ng walang working permit mula sa pamahalaan.

Ang apat na dayu- han ay agad na dinala sa holding facility ng BI Detention Center sa Camp Bagong Diwa Taguig City.

FROILAN MORALLOS