NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang apat na foreigner habang pasakay sa kanilang flight palabas ng bansa dahil sa paggamit ng spurious documents.
Ang apat na dayuhan ay isang Chinese fugitive, Nigerian impostor, at dalawang Sri Lankans, kung saan na-intercept ang mga ito ng Bureau’s Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 at 2 ng magkakaibang petsa.
Kinilala ang Chinese national na si Wang Wen, 33 anyos, at nasakote ito noong Sabado ng umaga sa NAIA terminal 2 habang pasakay sa Philippine Airlines flight papuntang Xiamen.
Nakuha sa posesyon ni Wang ang pekeng Philippine visa na mayroon fake immigration arrival and departure stamps.
Lumabas sa ginawang verification sa BI records, na si Wang ay may nakabinbin na summary deportation order noon pang nakaraang taon 2018 dahil sa economic crimes.
Makaraan ang isang oras nasakote ng BI-TCEU personnel sa NAIA terminal 1 departure area ang Nigerian na Adekunle Michael Ogunade, 55 anyos habang paalis gamit ang fake Solomon Islands passport.
Ayon kay BI-TCEU chief Timotea Barizo, inamin ni Ogunade sa isinagawang imbestigasyon ang tunay niyang pagkatao matapos madiskubre na peke ang kanyang mga papeles sa resulta ng BI’s forensic document laboratory.
Huling naaresto sina Sri Lankans Drosamy Asah, 32 anyos at Talayan Hilamaran, 35 anyos sa transfer desk ng NAIA terminal 2 bago makaalis papuntang Brisbane, Australia.
Sina Wang at Ogunade ay kasalukuyang naka-detainee sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang naka-pending ang kanil-ang deportation, habang ang dalawang Sri Lankans ay pinabalik sa kanilang port of origin. FROI MORALLOS
Comments are closed.