4 DQ CASE NI BBM, IBINASURA NG COMELEC

BBM 2

TULUYAN na ring ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang apat pa na disqualification cases laban kay presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na patuloy na nangunguna sa bilangan sa pagkapangulo ng Pilipinas.

Ang pagbasura ng Comelec sa mga kaso ay denisisyunan isang araw matapos ang isinagawang local and national elections nitong Lunes.

Batay sa inilabas na resolusyon ng Comelec en banc, hindi na tinanggap ang alinmang motions for reconsideration (MR) para sa disqualifications ni Marcos na may kaugnayan sa kanyang hindi pagsumite ng income tax return o ITR noong siya ay gobernador at bise-gobernador pa sa Ilocos Norte.

Dismissed na rin ng en banc ang motion for partial reconsideration ni Christian Buenafe ng Task Force Detainees of the Philippines at ni Fides Lim ng grupo ng mga bilanggong pulitikal na KAPATID na nauna nang naghain ng petisyon para makansela ang certificate of candidacy ni Marcos.

Si Marcos, na anak ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr., ay kasalukuyang nangunguna sa partial at unofficial tally.

Samantala, naglabas naman ng opisyal na pahayag ang kampo ni Marcos sa pamamagitan ng kanyang chief of staff at tagapagsalita nito na si Atty. Vic Rodriguez kaugnay sa pagkakabasura ng mga kaso.

“We are happy to receive the news that the Comelec En Banc has dismissed all the Motions for Reconsideration on the DQ cases which the First and Second Divisions have earlier ruled in favor of frontrunner Bongbong Marcos.

We have always believed that the poll body will stay true to its mandate to deliver a fair, honest and credible elections, including the dismissal of unmeritorious and politically-motivated petitions such as these.

The unanimous En Banc decision has proven, once and for all, that no amount of undue political pressure can weaken the resolve of the honorable Commission to be on the side of truth and justice,” pahayag ni Rodriguez. Jeff Gallos