4 DRUG SUSPECTS TUMBA SA MAGKAKAHIWALAY NA BUY BUST

patay

LAGUNA – Magkakahiwalay na nasawi ang apat na itinuturong drug suspect matapos magawa umanong manlaban sa pulisya habang aktong nag-sasagawa ang mga ito ng buy bust operations sa lungsod ng Calamba at Cabuyao.

Ayon sa ulat ni Laguna-PNP Provincial Director PCol. Eleazar Matta kay Calabarzon-PNP Director PBGen. Edward Carranza, nakilala ang nasawing mga suspek na sina Jesus Tenido Cama, 49, former Calamba Traffic Enforcer; isang alyas Long Hair, pawang mga residente ng Brgy. Sampiruhan, Joselito Odpaga Jr. ng Brgy. Real.

Isa pa sa kasamahan ni Cama at alyas Long Hair na si Wilson Valencia Flores, 39, tricycle dri­ver, ang mapalad na nakaligtas makaraang maganap ang engkuwentro kasunod nang isinagawang pag-aresto ng mga awtoridad.

Sa imbestigasyon, sinasabing nagkasa ng buy bust operation ang mga kagawad ng Provincial Intelligence Branch (PIB) at Calamba City-PNP Drug Enforcement Unit (DEU) dakong alas-5:35 ng hapon sa Brgy. Sampiruhan kaugnay sa pagtutulak ng droga ng napatay na dalawang suspek na sina Cama at alyas Long Hair, at ang naarestong si Valencia nang hindi inaasahang mauwi umano sa engkuwentro na agad nilang ikinasawi.

Kaugnay nito, binawian naman ng buhay habang isinusugod sa pagamutan ang drug suspect na si Odpaga makaraang manlaban sa mga kagawad ng Calamba-DEU sa Brgy. Real bandang alas-11:30 ng gabi.

Lumilitaw sa talaan na si Odpaga ay napapabilang sa sa Japhet Alvarez Group na responsable sa mga kaso ng robbery with rape sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas at lungsod ng Calamba.

Samantala, kabilang din sa napatay ang suspek na si Barcenas sa Brgy. Marinig lungsod ng Cabuyao bandang ala-1:20 naman kahapon ng madaling araw.

Sinasabing bukod sa pagtutulak ng droga, responsable pa rin ito sa mga serye ng kaso ng akyat bahay sa lugar.

Narekober sa napatay na suspek na si Cama ang 12 gauge shotgun habang sa kasamahan nito ang kalibre 22 kabilang ang 7 maliliit na pakete ng shabu samantalang kay Odpaga ang kalibre 38 baril at P12,000 halaga ng shabu bukod pa kay Barcenas ang kalibre 38 at hindi pa mabatid na gramo ng shabu. DICK GARAY

Comments are closed.