APAT na election related incidents ang naitala ng Philippine National Police (PNP) hanggang alas-12 ng tanghali nitong Biyernes.
Sa datos na ipinamahagi ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, may naganap na pamamaril sa Brgy. San Jose, Libon, Albay.
Ang nasabing pamamaril ay iniimbestigahan pa ng pulisya.
Mayroon din shooting incident sa Brgy Poblacion Zone 10, Taal, Batangas.
Mayroon namang kaso ng alarm and scandal sa Brgy. Chinatown, Malabang, Lanao del Sur at shooting incident sa Bgry. Bubonga Tawaan, Piagapo, Lanao Del Sur.
Magugunitang nagsimula ang gun ban para Barangay and Sangguniang Kabataan Elections noong Agosto 28.
Kasabay nito, tiniyak ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na pinaigting na ang monitoring laban sa private armed groups (PAGs) habang patuloy na tinutukoy ang mga lugar na isasailalim sa Comelec control.
Hinigpitan na rin ang Comelec checkpoint upang maiwasan ang illegal na pagbibitbit ng armas ng hindi awtorisadong indibidwal para magtagumpay ang kapayapaan sa papalapit na BSKE.
EUNICE CELARIO