4 EPICENTER NG COVID-19 TINUKOY

COVID-19-2

TINUKOY na ng UP OCTA Research ang apat na rehiyon sa bansa na maituturing na epicenter ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon Dr. Guido David, kabilang dito ang National Capital Region (NCR), Davao, CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) at ilang bahagi ng Central Luzon.

Sinabi ni David, patuloy  ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga nabanggit na lugar.

Dagdag pa ni David, dahil unti-unti nang niluluwagan ng pamahalaan ang standard health protocols ay mas lalo pang dapat mag- ingat ang publiko, at tiyaking nasusunod ang mga umiiral na health protocols.

Comments are closed.