4 FEMALE LIFTERS HINAHASA NA PARA SA PARIS OLYMPICS

Monico Puentevella

KASUNOD ng golden success ni Hidilyn Diaz sa katatapos na Tokyo Olympics, apat na young female lifters ang hinuhubog ni weightlifting chief Monico Puentevella bilang susunod sa kanyang mga yapak at maaaring maging medal prospects sa Par-is edition ng quadrennial meet sa 2024.

“So now in three years’ time, I am praying and predicting that we will already have a medal in Paris since we have four girls waiting in the wings,” wika ni Puentevella sa  virtual session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kahapon.

Ayon kay Puentevella, ang naturang mga atleta ay kinabibilangan nina Elreen Ann Ando, sumalang sa kanyang Olympic debut sa Tokyo; Vanessa Sarno; Kristel Macrohon; at Rosegie Ramos.

Si Ando ay tumapos sa seventh place sa 12 kalahok sa women’s 64-kilogram division sa Tokyo.

“Si Ando nakapasok na siya sa mata ng karayom. Gusto kong dumaan siya kagaya ng iyak noon ni Hidylin (sa 2012 London Olympics),” ani Puentevella.

“Vanessa Sarno is now the Asian champion at 17 and is turning 18,” sabi pa ng dating commissioner ng Philippine Sports Com-mission (PSC) patungkol sa Boholana sensation, na nagningnging sa  Asian weightlifting meet noong nakaraang Abril sa Tashkent, Uzbekistan, sa pagwawagi ng dalawang golds at isang silver sa 71-kilogram division.

“Nandiyan din si Kristel Macrohon. Baka magbago iyong attitude niya (pagkatapos mag-medal si Hidilyn),” dagdag ni Puentevella patungkol sa 2019 SEA Games gold medalist sa women’s 76-kg. category, na nanalo rin ng dalawang  bronze medals sa Asian meet.

Si Ramos, 16, ay isang Zamboanga City native at protégé ni Diaz sa kanyang sariling gym malapit sa kanyang bahay sa Baran-gay Mampang, pahayag ng weightlifting head sa forum na suportado ng  Smart af Upstream Media bilang official webcast partner.

Sinabi ni Puentevella na bukas ang kanyang pintuan para sa ika-5 sunod na Olympic appearance ni Diaz, na magiging 33-anyos na sa 2024 Paris Olympics.

“Kung talagang kaya ng katawan ni Hidy sa Paris, she will be 33 at that time, puwede siyang mag-medalya muli, pero magsasa-kripisyo siya,” aniya. “But if she retires, she will be our national women’s coach for sure. No one can compare with her and she will teach the four young lifters that are coming up.”

Hinikayat niya sina  Ando, Sarno, Macrohon, at  Ramos na tularan ang pagsasakripisyo, disiplina, at dedikasyon na ipinamalas ng four-time Olympic veteran sa pagkopo ng gold medal, na pumawi sa 97 taong pagkauhaw ng bansa sa quadrennial sports festival.

“Dapat gayahin nila si Hidy who had no holidays, no Christmas, no New year, no birthday celebrations while she was Kuala Lumpur in training for the Tokyo Olympics,” ani Puentevella.

Plano, aniya, ni Diaz na bumalik sa Malaysia sa ikatlong linggo ng Setyembre para ipagpatuloy ang kanyang training.

“As the Olympic champion, Hidy wants to prepare hard for the world championships in Lima, Peru in November so she is going back with Julius to Malaysia in the third week of September to resume training,” dagdag pa niya. CLYDE MARIANO

2 thoughts on “4 FEMALE LIFTERS HINAHASA NA PARA SA PARIS OLYMPICS”

Comments are closed.