4 FILIPINO CHEFS TAMPOK SA MFWF

FILIPINO CHEFS

Ngayong sumisikat na at nakikilala ang Philippine food sa Australia, apat na Filipino chefs ang nag-serve  ng country’s iconic and heritage cuisine kahapon, Marso 12 at ngayong araw, Marso 13 sa Melbourne Food and Wine Festival (MFWF). Ang nasabing event ay nagsimula noong Marso 8 at tatagal hanggang Marso 24 ngayong taon.

Isang annual event ang MFWF na ginaganap tuwing Marso ng Food and Wine Victoria Ltd. mula pa noong 1993 para maipakilala ang Melbourne at Victoria’s food and wine culture.  Ngayong taon, sa 27th edition nito, ang buong buwang selebrasyon ay naka-set upang ipagdiwang ang trends at techniques ng culinary world na may influence ng Australian communities.

Kabilang sa susubok ay ang Filipino-Australian chef na si Ross Magnaye, head ng Rice Paper Sister Restaurant—isang lugar na naghahanda ng finger-licking Asian street food at iconic food fusion sa Melbourne.

Makakasama nito ang culinary icons na sina Jordy Navarra, Nicole Ponseca at Yasmin Newman para mag-create ng one-off  ‘BARRIO’ dinner bilang bahagi ng Global Dining Series of MFWF.

Si Navarra ang nagpapatakbo ng To­yo Eatery sa Manila, crowned with the Miele One to Watch Award 2018 amongst Asia’s 50 Best Restaurants.

Samantalang si Ponseca naman ang nasa likod ng New York City’s Maharlika at Jeepney.

Ang local food at travel writer na si Newman ang awtor ng critically acclaimed cookbook, ang 7000 Islands: Cherished Re­cipes and Stories from the Philippines.

Sa kanilang ‘BARRIO’ menu, ang mga nabanggit na Filipino culinary superstars are  set to tell  through their culinary creations the story of their shared heritage, culinary journeys and advocacy for the cuisine they love most – Filipino.

Lilikha sila ng exclusive at refined entrée para sa MFWF visitors kung saan itatampok ang Philippines’ rich culinary techniques and their deep Filipino heritage bilang bahagi ng Global Dining Series na ipi-present ng Lavazza at event partner San Pellegrino.

ELEVATING FILIPINO FLAVORS

Ayon kay Chef Ross, ang kanyang ins­pirasyon sa mga likha ay hinango sa magaganda at katangi-tanging salo-salo ng kanyang pamilya noong kanyang kabataan sa Davao.

“In every birthday or celebration, I was blessed to be able to enjoy really great food and this enabled me to appreciate and be knowledgeable about food at a really young age. My passion also comes from family and how they have shown love for me through cooking and sharing food,” wika nito.

Lumipat siya sa Australia sa edad na 15 at sinimulan ang first culinary stint sa isang Italian fine diner sa Melbourne CBD sa pamumuno ni Joe Uya. Dahil sa kanyang passion for confections, nakapagtrabaho siya sa Burch and Purchese sweet studio sa pangunguna ni Darren Purchese. Para madag­dagan ang kanyang kaalaman, nagtungo rin siya sa Brazil sa D.O.M sa Sao Paulo. Pagkaraan nito ay sa Phuket upang magtrabaho sa Aziamendi sa Iniala beach club.

Mahigit dekada nang nasa Australian food scene si Magnaye, tumutulong sa pagbubukas ng mga restaurant at sa kalaunan nga ay nag-launch ng sariling restaurant—ang Rice Paper Scissors and Sister.

“When I returned to Melbourne, I had a call from an old friend for a job opening at Rice Paper Scissors. I was head chef there for around 2 years and opened Sister about 2 years ago,” wika pa nito.

“I also have cooked and travelled as a guest chef in many places – Hongkong, Singapore, Paris, Tokyo, Manila, Malaysia,” dagdag nito.

Dahil sa kanyang mga natutunan, na-master na ni Ross ang Filipino way of dining, na inilarawan niya bilang “family-style sharing.”

“The best qualities of Filipino food that people love is that besides the beautiful flavors of saltiness, sour, funky and sweet is that the way Filipinos eat. Families eating together is what I think is special about the Filipino way of eating,” ani Ross.

Ayon pa rito: “My top 3 favorite Filipino ingredients to use would be coconut vinegar, crab fat or crab roe and ‘bagoong’ for funk.”

Mahigit 250,000 mga Filipino ang naninirahan ngayon sa Australia, at mahigit 10,000 na estudyanteng mga Filipino ang naka-enroll sa Australian universities at vocational institutions. Sila ang ika-limang pinakamalaking bahagi ng populasyong ipinanganak sa ibang bansa, pangatlo sa mga Tsino, Indians at Vietnamese.

Kung ikukumpara sa iba’t ibang mga pagkain sa Asia, ang Filipino dishes ay ngayon lamang nagiging bahagi ng hapag-kainan ng Australians labas sa mga komunidad ng mga migrante, kagaya ng Rey’s Place sa Sydney at Lolo and Lola sa Canberra.

Sa kanyang partisipasyon sa MFWF, gagamitin ni Chef Ross ang nasabing flavors para mamukod-tangi ang Filipino food sa diners and tables across Australia. “I just want to make sure that I continue to push Filipino cuisine through Sister. I also have a couple of dinner events planned in the next couple of months both local and international which I am looking forward to,” saad pa nito.

MAINSTREAMING PH FOOD IN AUSTRALIA

Ang Philippine Trade and Investment Center (PTIC) sa Sydney, kasama ang Filipino Food Movement, isang San Francisco-based na organisas­yon, at ang The Entrée Pinays, isang grupo ng foodies and entrepreneurs galing ng Melbourne, ang mga nangunguna sa pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa pagkaing Pinoy sa Australia.

Ayon kay Fides Mae Santos-Arguelles, ang co-founder at sales and marketing director of Entreé.Pinays, ang kanilang layunin ay baguhin ang mga maling paniniwala at stigma na hinaharap ng pagkaing Filipino at itaas ang ating kultura sa hapag-kainan.

Ayon naman kay Alma Argayoso, ang PTIC Special Trade Representative sa Sydney, layon nilang i-promote ang Filipino food and culture via creative collaboration, community experien­ces and stories.

“Our trade office will collaborate with Entrée.Pinays and other relevant stakeholders to promote a better appreciation of Filipino cuisine and commercially ensure that more Filipino food and ingredients are available in the Australian market,” ani Argayoso.

“We also have a Very Important Buyer Program and Fly-in-Journalist Program in the Philippines where we sponsor food importers and journalists to fly to the Philippines to see, taste, experience and source Filipino food at IFEX Philippines, an international food exhibition showcasing the freshest produce and finest food and ingredients that the Philippines can offer,” dagdag pa nito.

Para magkaroon ng kaalaman tungkol sa Filipino food and heritage, bisitahin ang  www.ifexphilippines.com/. I-follow ang IFEX Philippines sa Facebook, Twitter at Instagram para sa karagdagang updates tungkol sa event.

Comments are closed.