PALAWAN – HINDI pinaglayag para makapangisda ng awtoridad ang apat na commercial fishing vessels sa karagatan ng Araceli.
Bunsod ng umano’y kawalan ng kaukulang papeles o permiso para mangisda.
Ayon kay Rodel Condesa ng Bantay Dagat -Araceli, nakatanggap sila ng tawag na may nangingisda umano sa kanilang nasasakupan.
Agad rumesponde ang pinagsanib puwersa ng Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), at Bantay Dagat ng Araceli.
Base sa ulat ng PCG, ang mga fishing vessel ay nangingisda sa layong 7.3 nautical miles mula sa baybayin ng Barangay Tinintinan.
Napag-alaman na pagmamay-ari ng isang korporasyon ang apat na bangka na may lulan na 43 tauhan.
Nilabag ng kompanya ang Municipal Ordinance No. 139 series of 2009 or “Fishing within Municipal Waters.”
Samantala, nagmulta ng P82,500.00 ang kompanya dahil sa paglabag sa naturang ordinansa ng lugar. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM